Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Quarantine pasaway nanuhol sa pulis, kalaboso

0 40

Arestado ang tricycle driver na tinangkang suhulan ng P1,000 ang dalawang pulis na sumita sa kanya dahil sa paglabag sa safety protocol sa Malabon City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa corruption of public officials si Leonardo Dela Cruz, 47.

Ayon sa Malabon Police, sinita si Dela Cruz sa Brgy. Taniong, alas-5:57 ng umaga kahapon dahil hanggang sa Navotas lang umano ang ruta ng tricycle nito at hindi maaaring tumawid sa Malabon dahil sa pinaiiral na enhanced community quarantine.

Binigyan ng tiket ang driver pero inabutan umano ni Dela Cruz ng papel na may lamang P1,000 ang dalawang pulis na sumita sa kanya. Dito na pinosasan ang suspek at dinala sa presinto. (Orlan Linde)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.