Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Quarantine pasaway ikulong – Cong

0 190

Ang sinumang hindi sumunod sa quarantine protocols pagdating sa bansa ay dapat ikulong o parusahan.

Ito ang panawagan ni ACT-CIS at Benguet Caretaker Cong. Eric Yap sa mga awtoridad matapos mapabalita ang pagtakas sa quarantine ng dalawang biyahero na dumating sa bansa.

“Parang hindi yata siniseryoso nitong mga dumarating na pasahero itong ating quarantine protocols”, ani Yap.

Sinabi ni Yap, “si Poblacion girl nag-party at nakahawa. Yung isa naman tumakas para magpamasahe”.

“Dapat masampolan ang mga ito para hindi pamarisan. Kung kailangan ikulong, so be it para hindi makahawa”, anang mambabatas.

Bukod kay Gwyneth Chua , alyas “Poblacion girl”, isa pang pasahero ang tuumakas ng hotel para magpamasahe, ayon sa Department of Tourism.

Leave A Reply

Your email address will not be published.