Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Quarantine niluwagan, kaso ng homicide lumobo

0 54

Tumaas nang 21.8 porsiyento ang kaso ng homicide sa buong bansa nitong Abril kasabay ng pagpapaluwag ng quarantine restriction sa mga rehiyon, ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Directorate for Investigation and Detective Management director Brig. General Sterling Raymund Blanco Jr., nakapagtala ng 95 kaso ng homicide nitong nakalipas na buwan, kumpara sa 78 kaso noong Marso 2021.

Paliwanag pa ni Blanco, ang pagtaas ng kaso ng homicide ay naitala sa Regions 3 (Central Luzon), 5 (Bicol), 7 (Central Visayas), at 12 (Soccsksargen). (Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.