Una sa Balita

Quarantine ng 49 Pinoy sa ‘kaldero’ ni Alan tapos na!

0 387

PAUUWIIN na ngayon araw (Pebrero 22) ang 30 repatriate galing sa Hubei, China at 19 mga crew member matapos na makumpleto ang 14 na araw na quarantine period sa Athletes Village na binansagang ‘kaldero’ ni House Speaker Alan Cayetano sa New Clark City, Capas, Tarlac.

Nabatid na magkakaroon muna ng send off ceremony bago tulu­yang ihatid sa kani-kanilang pamil­ya ang mga sumailalim sa 14 na araw na quarantine.
Nabatid na lahat ng indibidwal na isinailalim sa quarantine ay hindi kinakitaan ng anumang sintomas ng 2019 coronavirus disease (COVID-19), gaya ng lagnat, ubo at sore throat.

“We are glad that our repatriates are all well and safe from COVID-19. Our repatriation mission is not possible without the dedication and cooperation of the entire Interagency Task Force for Emerging Infectious Diseases with all its member agencies. We are extremely grateful for the collective effort of the government,” ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.

Gayunman nabatid na masusi pa rin silang mino-monitor ng DOH at pinayuhan na kaagad magpa­konsulta kapag may naramdamang kakaiba sa kalusugan. (JDCudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More