Una sa Balita

Qualls, Standhardinger patatahimikin ang Bolts

0 361

Mga laro ngayon:
(Ynares Center, Antipolo)
4:30pm — Meralco vs. NorthPort
6:45pm — Magnolia vs. NLEX

TALO sa Alaska ang NorthPort 106-99 noong Linggo, pero sa 3-5 card ay nakakapit pa rin ang Batang Pier sa eighth spot ng PBA Governors Cup.

Pero kalahating laro lang ang angat nila sa Aces (3-6). Nasa unahan ng NorthPort ang Columbian (4-6).

Kailangan ng Batang Pier ng panalo para tumibay ang kapit sa top eight na aabante sa quarterfinals pagkatapos ng 11-game eliminations.

Ininda ang pagkawala ni Robert Bolick (torn right ACL), sina Christian Standhardinger at Michael Qualls ang bumuhat sa Batang Pier noong huli.

May pinagsamang 72 points ang dalawa.

Pero para makuha ang pambawing panalo, mabigat ang kailangang laktawan ng NorthPort sa first game mamaya sa Ynares Center sa Antipolo. Toka nila ang nasa four-game winning streak na Meralco.

Sidelined din ng groin injury ang isang pamato ng Bolts na si Baser Amer, pero sumakay kina Allen Durham at Raymond Almazan para kuryentihin ang Columbian Dyip 92-74 noon lang Biyernes. Sa 7-2 card, nasa third place ang Meralco at nakasiguro na tiket sa next round. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy