Una sa Balita

QC property tumaas sa gitna ng demand

0 208

Patuloy na nadarag­dagan ang talaan ng mga property sa Quezon City bilang tugon sa mataas na demand, ayon sa online market seller na Lamudi.

Ayon sa ulat ng ­Lamudi sa kanilang Real Estate Market Review ng Enero 2020, ang lungsod ay patuloy na naging top-searched area sa Metro Manila, dahil sa pangunahing lokasyon nito sa mga commercial at residential properties, kakaya­nang magbayad, at pamumuhay.

Noong 2019, binuksan ng Quezon City ang mga bagong lugar ng mga opisina at malamang na magbubukas pa ito ng mas marami sa taong ito at sa mga susunod na taon.

Ang data ng ­Enero ay nagpakita na ang lungsod ay may pinakamaraming bilang ng mga listahan, na binanggit sa ulat na tugon sa lumalaking bilang ng paghahanap.

Sa labas ng Luzon, ang Cebu ang nangu­ngunang lungsod sa Visayas dahil sa lumalagong industriya ng outsourcing.

Sa pangkalahatan, ang mga paghahanap ng properties na ibinebenta (62%) ay patuloy na mas mataas kaysa sa mga naghahanap ng paupahan (38%).

Pagdating sa listing, 82 porsiyento ang ibinebenta habang 15% ay para sa paupahan.

Ang mga naghaha­nap ng mga property ay nagpakita ng higit na interes sa pagbili ng mga bahay (51% ng mga ­paghahanap), kumpara sa lupa (23%) at con­dominiums (18%).

Pagdating sa pag­bili ng property, 17 porsi­yento ng mga naghahanap ay gumugugol ng P1.5 milyon hanggang P3 milyon, habang 15% ang may gusto ang mas abot-kayang P450,000 hanggang P1.5 milyon. (Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More