Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

QC occupation permit ibabasura

0 195

Ibabasura ni Anakalusugan Rep. Michael Defensor ang occupational permit na requirement sa lahat ng nais magtrabaho sa Quezon City kapag siya ay nanalo sa halalan.

Ayon kay Defensor gastos lamang para sa mga aplikante ang occupational permit na ipinatutupad ng Quezon City government.

Kapag nanalong mayor, aalisin ni Defensor ang requirement na ito sa unang 100 araw sa puwesto.

Nagkakahalaga ito ng P170 pero sinabi ni Defensor na umaabot sa P650 ang ginagastos ng isang naghahanap ng trabaho dahil mayroon mga kailangang kompletuhing requirement para makakuha nito. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.