Una sa Balita

QC, Maynila, Caloocan: Top 3 sa basura sa Bagong Taon

0 425

Dismayado ang environmentalist group na Ecowaste Coalition sa bulto ng mga basurang bumungad sa mga lansangan sa Metro Manila matapos ang pagsalubong sa Bagong Taon noong Martes ng ha­tingabi.

Ayon sa Metropo­litan Manila Development Authority, na­ngunguna ang Quezon City sa lahat ng mga lungsod na pinakamaraming nalilikhang basura na sinundan ng Maynila at Caloocan.

Umaabot sa 3,610 tonelada ang nakokolekta mula sa Quezon City araw-araw; ang Maynila na may 1,175 tonelada at Caloocan na may 913 tonelada kada araw.

Ayon sa Ecowaste Coa­lition, ang konsume­rismo, pagiging maaksaya, hindi maayos na waste segregation at kawalang disiplina sa pagtatapon ng basura sa hindi tamang lugar ang mga dahilan kung bakit tuwing holiday season ay tumatambad ang tone-toneladang mga kalat.

Sinabi ni Daniel Alejandre, Zero Waste Campaigner ng grupo, na ang magandang kultura ng pagdiriwang tuwing Bagong Taon ay natatabunan ng mga du­ming naiiwan ng mga tao dahil sa kawalang disiplina.

Dagdag pa niya, kaba­ligtaran ang ipinakikita ng mga tao lalo sa pagpasok ng Enero na idineklara sa ilalim ng Presidential Proclamation number 760 bilang Zero Waste Month.

“What makes this beautiful tradition ugly is our penchant to consume and throw a lot of things as can be seen from the overflowing bins to the garbage piles dotting our neighborhoods following the re­velry. Many of our communities, especially in thickly populated a­reas, are drowning in post-revelry garbage on the first day of January, which, incidentally, is observed as Zero Waste month.” pahayag ni Alejandre. (Mia Billones)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy