Una sa Balita

QC councilor kumpiyansang aaprubahan 2019 ang tax amnesty

0 365

NAKATAKDANG lagdaan ni Mayor Herbert Bautista ng Lungsod Quezon ang isang panukalang batas na magkakaloob ng tax amnesty sa mga magsisipagbayad ng business tax sa darating na 2019.

Ayon kay District 1 Councilor Victor Ferrer, Jr., tiwala ang buong konseho na susuportahan ni Bautista ang panukala. 

“Alam namin na anumang makabubuti sa tao ay suportado ng ating mahal na mayor,” aniya.

Saad pa niya, naipadala na ng konseho ang orihinal na kopya ng panukalang batas sa Office fo the Mayor.

“Bago matapos ang taong 2018 ay mapipirma­han na ito ni Mayor upang maipatupad ang nasabing batas sa pagpasok ng 2019,” diin niya.

Kamakailan lamang ay ipinasa ng konseho sa third and final reading ang panukala ni Ferrer upang magkaloob ng business tax amnesty para sa taong 2016, 2017 at 2018.

“Ang sinumang magbabayad ng business tax sa Enero ng 2019 ay hindi na kailangang magdeklara ng mga nakaraang niyang gross sales o receipts kung siya ay mag-a-avail ng business tax amnesty at magbabayad ng 30 percent higher,” aniya.

Umaasa si Ferrer na sa ilalim ng tax scheme na ito ay makakalap ng mahigit isang bilyong pisong buwis.

Aniya, suportado rin nina city treasurer Ruby Guevarra at Garry Domingo, hepe ng Business Permit and Licensing Office head, ang panukala.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More