Una sa Balita

QC boy tinamaan! Kaso ng polio umakyat sa 16

0 222

UMABOT na sa 16 ang kaso ng polio ang nakumpirma ng Depart­ment of Health (DOH) sa bansa simula nang ideklara ang ­outbreak noong Setyembre 2019.

Nabatid sa DOH na base sa tala ng Research Institute of Tropi­cal Medicine (RITM) ang apat na bagong kaso ng sakit ay pawang batang lalaki.

Ang dalawang bata ay mula sa Maguindanao na nagkaka-edad ng dalawa at tatlong taong gulang; isang kaso mula sa Sultan Kudarat, na dalawang taong gulang at ang isa ay mula sa Quezon City na 3-taong gulang rin.

Ayon sa DOH ang mga paslit ay pawang nakitaan ng lagnat,­ pagtatae, pananakit ng kalamnan,­ asymmetric ascending paralysis at panghihina ng mga paa at kamay.

Nagpositibo sa polio virus ang mga bata matapos na suriin.

Samantala, muling hinimok ng DOH ang publiko na paba­ku­nahan ang kanilang mga anak laban sa polio. (Juliet de ­Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More