Una sa Balita

QC anti-drug abuse council ‘best in the Philippines’

0 295

Itinanghal bilang ‘best in the Philippines’ ang Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council (QCADAAC) bilang pinaka-epektibo sa ‘anti-drug abuse advisory group’, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Nakopo ng Quezon City ang national prize sa ginanap na 1st National Anti-Drug Abuse Council Performance Awards nitong Disyembre 2018 sa Manila Hotel matapos na makakuha ng ‘high functionality rate’ sa anti-drug abuse program,

Nanguna ang Quezon City sa 240 awardee ng DILG sa listahan ng mga local government units (LGUs) sa kanilang ‘best practices and programs in the anti-illegal drug campaign.’

Bukod sa pagbabalangkas ng kanilang komprehensibong ‘anti-drug code’ sa lungsod, matagum­pay na napasunod ng QCADAAC ang 23 nasasakupan mga barangay na maging ‘drug-free community.’

Sa report, umaabot sa 560 drug ‘surrenderee’ sa lungsod ang sumailalim sa rehabilitation programs.

Nagpahayag naman ng kasiya­han si QC Anti-Drug Committee chairperson Coun. Gian Sotto sa ipinamalas at pakikipagtulungan ng city government, law enforcer, civil society at religious group para masawata ang ‘illegal drugs’ sa lungsod.

“Ang pinakamahalagang ginagawa ni Vice Mayor Joy (Belmonte) bilang head ng CADAAC is saving lives and making sure na ‘yung mga na­ging biktima ng illegal drugs ay maibalik sa komunidad at sa pamilya nila,” ayon kay Sotto.

Pinuri naman ni DILG Secretary Eduardo Año ang local government unit sa kanilang todo suporta sa pamahalaan sa kampanya laban sa iligal na droga sa bansa.

“The war on drugs is fought in the LGU level and we are satisfied with the phase of LGUs in drug war,” dagdag pa ng DIL chief. (Dolly­ ­Cabreza)