Una sa Balita

Qatar boycott tuloy

By
0 3

Nanindigan ang mga foreign minister ng apat na bansang Arabo na nagpatupad ng diplomatic boycott laban sa Qatar na hindi sila makikipagkompromiso sa hinihinging pagbabago sa mga polisiya ng naturang bansa.

Nagpulong ang mga foreign minister ng Saudi Arabia, United Arab Emirates, Bahrain at Egypt sa Bahraini capital nitong Linggo at ipinahayag na bukas sila sa pakikipag-usap sa Qatar subalit sa kondisyon na ititigil nito ang pagsuporta at pagbibigay ng pondo sa terorismo.

“We reiterate the importance of Qatar’s compliance with the 13 demands outline by the four states,” ayon sa kanilang joint statement.

Inilabas ng Saudi-led bloc noong buwan ng ­Hunyo ang kanilang mga hinihingi sa Qatar bago bawiin ang ipinatupad na sanctions laban dito. ­Ka­bilang sa hinihingi ay ang pagsasara sa regional news agency na Al-Jazeera, bawasan ang ugnayan sa Iran at isara ang Turkish military base sa Qatar.