Una sa Balita

PWD nahumaling sa ‘Tala’

0 374

Parang epidemyang kumakalat ang dance craze ni Sarah Geronimo sa kanta niyang “Tala”.

Aba, kahit ang mga taga-Kapuso na tulad nina Julie Anne San Jose at Maine Mendoza ay nagsayaw nito.

Naisalin na rin ang dance craze sa anime na pinost ng isang Twitter user (@SHODAIME). Mapapanood ang digital dance craze sa mga videoke.

At kahit ang lalaki na pinanganak na kalahati lang ang binti at mga kamay ay nagsayaw rin ng “Tala”.

Mapapanood sa Twitter ni @sga_jim17 ang video nang pagsasayaw ng naturang lalaki. Wish ng nag-repost ng video na sana ay mapanood ito ni Sarah para maaliw siya. (Rey Pumaloy)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More