Una sa Balita

PWD na tulak ng droga nasakote

0 248

NASAKOTE ng pulisya ang isang Person With Disability (PWD) na umano’y tulak ng iligal na droga, sa ikinasang buy-bust operation sa Navotas City kahapon nang madaling-araw.

Sa isinumiteng report ni P/Col. Rolando M. Balasabas, hepe ng Navotas Police, kay P/BGEN Rolando Andu­yan, Northern Police District (NPD) Director, kinilala ang naarestong suspek na si Renato Rosita alyas ‘Natoy’, 48, residente ng Everlasting St., Barangay San Roque ng na­sabing lungsod.

Putol ang kanang hita ni Natoy kaya nakasaklay ito para makalakad.

Ayon kay Col. Bala­sabas, bandang ala-una nang madaling-araw, nagkasa ng buy-bust ope­ration si P/Lt. Eric V. Roxas, head ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Navotas Police sa lugar ng suspek.

May nakalap na impormasyon ang mga pulis na sa kabila ng kapansanan ni Natoy’ ay nagbebenta ito ng shabu sa kanilang barangay.

Si P/Corp. Raymond Nagal ang nagkunwaring poseur buyer at umiskor ng shabu sa PWD ng ha­lagang P200. (Orlan Linde)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy