Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

PWD na suma-sideline sa trolley tinodas

0 125

Patay ang isang trolley operator matapos itong barilin ng hindi nakilalang suspek na nagpanggap na pasahero sa Lucena City, Linggo ng umaga.

Kinilala ng Lucena City police ang biktimang si Ambrocio Abril Tibayan Jr., 42, isang PWD, at residente ng Barangay Ibabang Iyam.

Batay sa report ng Lucena police, itinutulak ng biktima sa riles ang kanyang trolley nang bigla na lamang itong barilin sa ulo ng nakasakay na suspek.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Agad nasawi ang biktima samantalang mabilis na tumakas ang suspek.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaril at kung sino ang suspek. (Ronilo Dagos)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.