Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

PWD na erpat pinagbabato sa nawalang tsinelas

0 149

DAHIL lamang sa nawawalang tsinelas, nagkalamat ang relasyon ng mag-ama nang ipaaresto ng tatay na may kapansanan ang kanyang anak sa Bacoor City, Cavite, Miyerkules ng hapon.

Kinilala ang anak na si Lemuel Lacanlale alias “Way”, 52, habang ang ama ay si Rodolfo Lacanlale, 78, kapwa taga-Copper St., Brgy San Nicolas 3, Bacoor City, Cavite.

Sa ulat ni PSSgt Edison Fetalcurin, ng Bacoor City Police Station, ala-1:00 kamakalawa ng hapon nang maganap ang insidente kung saan hinahanap ni Rodolfo, na isang Person With Disability (PWD) ang kanyang tsinelas at nakita nito sa kuwarto ng kanyang anak.

Kinukuha ng ama ang kanyang tsinelas subalit nagalit ang anak hanggang sa sigawan nito at pagbabatuhin ng mga matitigas na bagay na ikinasugat nito.nagresulta sa kaliwang braso ng una.

Humingi ng tulong ang matandang Lacanlale na ikinaaresto ng anak. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.