Una sa Balita

PWD inatado ng may diperensiya sa pag-iisip

0 293

PINAGSASAKSAK hanggang sa mapatay ng lalaki na umano’y may diperensiya sa pag-iisip ang kanyang kapitbahay na person with disability (PWD) kamakalawa nang hapon sa Valenzuela City.

Dead-on-arrival sa Valenzuela City Medical Center si Danilo Balmeo, 52, nakatira sa No. 31 Baltazar St., Pacheco Village, Balubaran ng nasabing lungsod.

Nagtamo ito ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Naaresto ang suspek na si Fidel Cirilo, 52.

Kuwento ng witness na si Edwin Rustia, nakita niya na duguang nakabulagta sa semento si Balmeo, bandang alas-kuwatro nang hapon.

Kaagad siyang humingi ng tulong sa mga kapitbahay at dinala sa nasabing pagamutan ang biktima.
Noong una ay wala silang ideya kung sino ang pumatay kay Balmeo, pero kalaunan ay napansin nila ang duguang damit ni Cirilo, kaya kaagad itong inaresto ng mga dumating na pulis.

Sa presinto, kamot ang ulo ng mga imbestigador dahil iba ang isinasagot nito sa mga itinatanong sa kanya.

Maging ang mga kapwa niya preso ay nahihintakutan sapagkat nagsasalita itong mag-isa.
Sa panayam ng Abante sa suspek, taong 2012 ay sumailalim ito sa mental medi­cation sa isang physiatrist.

Diabetic din daw siya at may ilang taon nang nag-i-insulin.

Gayunpaman, kinasuhan ng murder sa Valenzuela City Prose­cutors Office ang suspek. ­

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy