Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

PVL: Wong, Viray sinikwat ng Titans

0 318

ASAHAN ang lalo pang pinatindi na line-up ng Choco Mucho Flying Titans sa Premier Volleyball League (PVL) sa pagdating nina veteran setter Deanna Wong at opposite hitter Caitlin Viray.

Matatandaan na kilala ang dalawa bilang mga star player ng kanilang mga paaralan.

Si Wong bilang playmaker ng Ateneo Lady Eagles at si Viray na power skipper para sa UST Golden Tigresses.

Bukod sa dalawa, maaalala rin na nadagdag sa pwersa ng Flying Titans si veteran libero Denden Lazaro-Revilla.

Sa pagdating ni Wong, Viray at Lazaro-Revilla sa panig ng Choco Mucho, asahan ang mas pinalakas pang pwersa ng koponan.

Mangunguna rin sa team sina middle blocker Maddie Madayag at Bea De Leon sa pamumuno ni head coach Oliver Almadro. (JAT)

Leave A Reply

Your email address will not be published.