Una sa Balita

PVL: Tolentino, De Leon bagwis ng Lady Eagles

By
0 361

Mga Laro Nga­yon:

(FilOil Flying V Center)
4:00 p.m. - Ateneo-Motolite vs Tacloban
6:00 p.m. - PetroGazz vs Iriga-Navy

TARGET ng Ateneo-Motolite na palakasin ang kapit sa tuktok ng team standings pagharap nila sa Tacloban sa 2018 Premier Volleyball League Season 2 Open Conference sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Hawak ang 7-2 karta, sasandalan ng Lady Eagle sina Kat Tolentino at Bea De Leon na mga naging pangunahing armas ng Ateneo sa panalo nila kontra Creamline sa kanilang huling laro.

Tumikada si Tolentino ng 22 points mula sa 18 attacks, tatlong blocks at isang service ace habang tumapos si De Leon ng 15 markers para sa Lady Eagles.
Subalit paniguradong itotodo ng Fightin­g Warays ang kanilang lakas upang makabawi agad sa kanilang talo noong Linggo.

May 4-5 card ang Tacloban matapos yumuko sa Iriga-Navy sa kanilang huling laban.

Samantala, puntirya naman ng Lady Ora­gons na sikwatin ang three-game-winning streak, makakalaban nila sa ala-6:00 nang gabi ang PetroGazz.
May 3-7 baraha ang Iriga-Navy, kakapit sila kay Bicolana star Grazielle Bombita para masikwat ang pang-apat na panalo at manatiling may tsansa na makalaro sa susunod na phase.

Nagtala ng clutch points si Bombita upang tulungan ang Lady Oragons na talbosin ang Tacloban sa apat na sets.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy