Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

PVL: Perlas umeksit rin

0 213

HINDI ang Sta. Lucia Lady Realtors ang nagpaalam sa Premier Volleyball League (PVL) kundi maging ang Perlas Spikers.

Nitong Martes ng gabi ay umingay sa social media ang nasabing koponan nang humingi sila ng ‘leave of absence’ sa paparating na 2022 season.

“We regret to inform everyone that, with the ongoing pandemic, the Perlas management has decided to take a leave of absence in the upcoming PVL tournament,” saad ng team sa kanilang Twitter. “We wish the tournament well and we continue to support the growth of Philippine volleyball.”

Ito ang unang beses na nagpaalam ang koponang pinangungunahan ni Charo Soriano sa loob ng limang taong paglahok nila sa torneo.

Inaasahan namang maghahanap ng ibang mapupugaran ang ilan nilang manlalaro dahil ilang mga star player ng Perlas ay umalis na rin gaya ni Nicole Tiamzon na sumanib ng Petro Gazz at si Dzi Gervacio na lumundag sa F2 Logistics. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.