Una sa Balita

PVL: Lady Pirates lubog sa NU

By
Bumalik ang bola rito ni Risa Sato (5) ng NU nang sabayan sa net ni Cherilyn Sindayen (2) ng Lyceum. Nilapa ng Lady Bulldogs ang Lady Pirates 25-17, 25-16, 25-21 sa PVL Collegiate Conference sa FilOil Flying V Center kahapon. (Patrick Adalin)
0 7

Sa huling sandali ay nagpakita si Jaja Santiago na kumpleto sa uniporme ng National U at umarangkada ang Lady Bulldogs para palubugin ang Lyceum Lady Pirates 25-17, 25-16, 25-21 sa Premier Volleyball League Collegiate Conference sa FilOil Flying V Center sa San Juan kahapon.

Bago nagsimula ang season-ending conference ng liga na inorganisa ng Sports Vision ay wala pa sa roster ng NU si Santiago, pagdating kahapon ay pumalo agad ng 11 hits para itulak ang Lady Bulldogs sa early lead sa Group A kasama ng Ateneo at FEU.

Petik-petik pa ang Lady Bulldogs sa first two sets na sinasalag lang ang pakikipagsabayan ng Lady Pirates, pero sa dulo ng bawat stanza ay nagagawang kumalas ng NU.

Abante Hiring – IT dep

Huling dumikit ang Lyceum 23-21 sa third, pero nagpasok ng down-the-line hit ang NU at naselyuhan ang panalo nang lumabas ang hu­ling spike ng Lady Pirates.

Umayuda si Risa Sato ng 11 points para sa Lady Bulldogs, naglista ng five kills si Aiko Urdas. Namigay ng 27 excellent sets si playmaker Jasmine Nabor kasama ang ilang quick sets na sinusundan at pinapalo nina 6-foot-5 Santiago at Sato.

Magandang pasalubong din ito ng Lady Bulldogs sa bagong coach nilang si Raymond Castillo na pumalit kay Ro­ger Gora­yeb na piniling manatili sa San Sebastian na nakikipagrambulan din sa ligang suportado ng Mikasa at Asics.