Una sa Balita

PVL crown kukunin nina Kaewpin, Creamline

0 200

Finals Game 2 ngayon: (FilOil Flying V Centre)
2:00pm — BanKo vs Pacific (Game 2/battle for third)
4:00pm — PetroGazz vs Creamline (Creamline 1-0)

Target nang makuha nina import Kuttika Kaewpin at defending champions Creamline Cool Smashers ang korona sa Game 2 best-of-three Finals ng Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Confe­rence kontra PetroGazz Angels alas-4:00 Sabado ng hapon sa FilOil Flying V Centre.

Balak nang wakasan ng Creamline ang serye laban sa PetroGazz at para muling makuha ang kampeonato ng torneo.

Apat na set ang kinaila­ngan ng Cool Smashers upang mabagahe ang Game 1 sa tono ng 24-26, 25-16, 25-16, 25-22 panalo sa pangunguna nina Kaewpin na may 21 points at Aleoscar Blanco na nagtala ng 18 points.

“I guess mina-mindset lang sa amin ni coach Tai (Bundit) all the time na to play happy, na walang pressure,” pahayag ni team captain Alyssa Valdez.

“Kasi if we pressure ourselves to be perfect dun mahihirapan. ‘Yung flow naman ng game hindi naman laging perfect so we have to adjust.” (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy