PVL: Cignal-Mega Builders duel bukas

By

Standings
Mega Builders    4   0
Cignal TV           4   0
Air Force            3   1
Sta. Elena          2   2
Army                  1   3
IEM                    1   2
Café Lupe          0   3
Gamboa             0   4

Mga laro bukas:
10:00 a.m. – Air Force vs IEM (men’s)
1:00 p.m. – Mega Builders vs Cignal (men’s)
4:00 p.m. – Creamline vs Power Smashers (women’s)
6:30 p.m. – Perlas vs UP (women’s)

Kaabang-abang ang inaasahang dikdikang paghaharap ng Cignal TV Inc. at Mega Buil­ders, parehong unbeate­n na mag-aagawan sa solong liderato at unang semifinals berth bukas sa men’s Premier Volleyball League Open Conference match sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Ang HD Spikers, hangad masundan ang kanilang Reinforced Conference feat, at ang Volley Bolt, isa sa tatlong newcomers ng liga na nagparamdam ng lakas sa nag-iisang men’s volley league sa bansa ay may 4-0 start, ay magpapaluan sa ala-una ng hapon.

Kung mahusay sa attack ang Cignal, pambato naman ng Mega Builders ang blocking prowess nito sa torneong inorganisa ng Sports Vision.

Katunayan, sina Volley Bolt teammates Kim Malabunga at Francis Sauri ay leading blockers na may 12 at 11, ayon sa pagkakabanggit.

Samantala, si Sta. Elena’s Berlin Paglinawan ay top scorer naman sa elims na may 60 points, kasama ang 67 attack points, habang sina Air Force’s Alnakran Adbilla at Edwin Tolentino ay nakapag-produce ng 68 at 63 hits.

Magkasalo naman sina Sta. Elena’s Nico Ramirez at Abdilla bilang best server sa tig-pitong aces. Ungos si Cignal’s Sandy Montero sa digging na may 54, habang si Ramirez din ang una sa best setter derby na may 149 running sets.

SHARE