PVL: BACK-TO-BACK!

PAF nilunod din ang BaliPure

By

Mga laro sa Miyerkules:
(Filoil Flying V Center)
4:00 p.m. — Creamline vs. Power Smashers
6:30 p.m. — Perlas vs. UP

Sumalo sa second spot ng team standings ang Philippine Air Force matapos ilipad ang 23-25, 25-21, 25-19, 18-25, 15-11 panalo laban sa Water Defenders kahapon sa Premier Volleyball League Open Conference sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Nagsanib-puwersa sina Jocemer Tapic at Dell Palomata sa opensa­ upang ilista ang 3-1 ­record ng Lady Jet Spikers­ at saluhan sa second ang ­defending champion ­Pocari Sweat.

Nagtala si Tapic ng 17 points mula sa 15 kills at dalawang service aces habang may tig-16 markers sina Palomata at Iari Yongco para sa second straight win ng Air Force.

Mula sa bench, hinugot ni coach Jasper Jimenez si Palomata na inis­kor ang huling dalawang puntos para sa Lady Jet Spikers.

“Kulang kami sa gitna kaya buti na lang maganda ‘yung pagkabunot ko sa kanya. She was a big factor for us,” ani Jimenez.

Hindi naglaro sa first set si Palomata.

Nag-ambag din sina Mary Ann Pantino at Joy Cases ng 12 at anim na puntos para sa Air Force.

Sina three-time NCAA Most Valuable Player Grethcel Soltones, Jerrili Malabanan at Aiko Urdas ang umiskor ng tig-17 points para sa Water Defenders na nalasap ang pangalawang talo sa apat na salang. 

SHARE