Una sa Balita

Puwet ni Sue bet panggigilan ng mga kapwa artista

0 3,066

Patindi nang patindi ang labanan sa social media ngayon. Sumasabay sa matinding init ng panahon ang laban sa paseksihan, eksenahan, ha!

Kung ordinaryong swimsuit lang ang idi-display mo, na tipong ang masisilip lang ay ang konting cleavage mo, sure akong dedma na agad ang mga fan.

Puwera na lang kung first time mo ‘yon gagawin, na tulad sa sitwasyon ni Kim Chiu.

So, dapat isip-isip din sa pag-eksena. At ganyan nga ang ginawa ni Sue Ramirez, ha!

Cleavage? Checked na ‘yon, dahil nagawa na niya ‘yan.

Hubog ng katawan? Super checked na rin dahil super seksi ang swimsuit na suot niya.

Mahabang legs? Checked na checked again.

At ngayon nga, panibagong part ng katawan niya ang in-expose niya, at puwede na ngang i-check.

“Buns out!!!” sabi ni Sue sa latest Instagram photo niya.

At yes, puwet na kung puwet ang idinispley niya, ha!

So, lalaban ka pa ba? Aba, kung wala kang boobs, sa puwet ka bumawi.

Ganyan na mag-isip ang mga kabataang artista ngayon. Ibang-iba na talaga!

At hindi naman bigo si Sue, dahil sa dinami-rami ng post niya sa Instagram, ang puwet yata niya ang nakakuha ng pinakamaraming reaksyon, at likes, ha!

Kahit ang mga artistang sina Alessandra de Rossi, Sunshine Cruz, Alexa Ilacad at Kyline Alcantara, hindi napigil na mag-comment sa puwet ni Sue.

Sabi nga ng mga kapwa niya artista, ang sarap kurutin, kagatin ng puwet ni Sue, ha! Eh kasi nga raw, mas makinis pa ang puwet ni Sue kesa sa mukha ng ibang artista.

Kaloka, ha! (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy