Una sa Balita

Puwet ni Nico pinasilip ni Solenn sa mga beki

By
0 2,857

Liberated talaga ang pananaw ni Solenn Heussaff lalong-lalo na kapag tungkol sa asawa niyang si Nico Bolzico ang pag-uusapan. Marami nga raw ang nagri-react sa IG posts niya na naaninag ang puwet ni Nico habang sila ay nasa loob ng kanilang condo, pero sa halip na magselos o maimbyerna ay mas natutuwa pa siya.

Alam naman daw niya na maraming beki (bading) at murat (babae) ang nagnanasa sa kanyang asawa, pero okey lang daw yun sa kanya. At least, happy siya na marami ang napopogian o nasiseksihan sa kanyang dyowa.

Feel nga raw niya ito kaysa naman puro panlalait ang kanyang mabasang comment tungkol sa kanyang afam na dyowa na super-delicious nga naman in his almost naked suit. Pero, mas limitasyon pa rin daw ito, ayon sa kanya.

Natata­wang chicka ni Solenn, “Yung harap niya, hindi ko ipu-post, akin lang yun!”

Maging ang ka-tandem niya sa pelikulang My 2 Mommies ng Regal Entertainment Inc. ay very open sa pagsa­sabing feel nito ang kanyang mister, nagbibiro man ito o hindi.
Pero, sa halip na mainis siya kay Paolo Ballesteros, mas nag-i-enjoy pa siyang malaman niya ito at ok lang talaga sa kanya.

Huwag lang daw kops! Joke! Joke ! Joke!

Anyway, pareho silang excited ni Paolo sa pagbubukas ng movie nilang ito na saktong pang-Mother’s Day presentation na magsisimula sa May 9.

Bongga nga raw ang family-oriented movie na ito na may twist, at feel nila na may big winner sila lalo na at si Eric Quizon ang nagdirek nito, huh!