Una sa Balita

Puwet ni Julie Anne pinulutan sa Instagram

Matambok, makinis:

By
0 1,786

Super tili ang mga Kapuso star na sina Gabbi Garcia, Kyline Alcantara, Kate Valdez, Klea Pineda, Mikee Quintos, at marami pang iba. Hindi rin makapaniwala ang mga kalalakihan sa tapang na ipinapakita ni Julie Anne San Jose sa pagpapasilip ng kaseksihan niya.

“Tis the season” ang caption niya sa Instagram photo niya, na naka-rubber “ugly” shoes, sun visor, at todo-emote sa init ng araw.

Pero, ang pangabog talaga ay ang one-piece swimsuit na suot niya, na bukod sa backless ito, pagkataas-taas ng cut nito, na rason para masilip talaga ang pisngi ng kanyang puwet.

Yes, super panalo nga ang pagpapakita ng puwet ni Julie Anne, kaya naman ang iba, sinasabi talaga, na teka lang, nagwawala ba si Julie Anne, na matapos makipag-break kay Benjamin Alves, heto nga at todo na siya sa pagpapaseksi sa social media, ha! Anyare nga ba?

Well, whatever, para sa mga follower ni Julie Anne, karapat-dapat lang niyang ilantad ang kung ano ang meron siya. Inspiras­yon nga raw siya ng maraming kababaihan, na sa halip na magmukmok pagkatapos ng failed relationship, mag-focus sa kung paano pagandahin pa ang sarili.

Sabi nga nila, “Ina­ano ka ba?” “Ang init na nga, nagpapainit ka pa ng pakiramdam namin” at “Malalagutan ako ng hininga dahil sa iyo.”

Ang iba nga, tinawag na ang iba pang mga santo dahil sa post na ito ni Julie Anne. Sa tambok, kinis, at masarap nga raw hawakan at tingnan.
Well…

Hannah Precillas patok sa Spotify, iTunes

Happy ako for Hannah Precillas na finally ay may bonggang kanta na siya, ha! Isa nga is Hannah sa mga naging guest namin sa “Abantelliling” na kahanga-hanga talaga ang boses.

Anyway, matapos kumanta ng ilang mga theme song para sa Kapuso seryes at pumirma sa GMA Music nitong nakaraang taon, handog naman ng Kapuso OST Princess na si Hannah para sa kanyang fans ang debut single ni­yang “Kung Walang Ikaw.”

Ngayon na isa na siyang certified recording artist, masaya at blessed­ ang nararamdaman ni Hannah.

“When I was a little girl, ang pangarap ko lang talaga is kumanta in front of people, and now I get to sing my own song and fulfill my dream. I feel really blessed and grateful na nabibigyan ako ng mga ganitong opportunity,” sabi niya.

Ang pop single na napapakinggan din bilang theme song ng Kapuso serye na “Hiram Na Anak” ay isang emosyonal na kanta tungkol sa mga pangako ng pag-ibig. Pero ayon kay Hannah, hindi lang ito para sa couples.

Excited si Hannah na magbahagi pa ng mga sarili niyang kanta, at mapapakinggan din ang boses niya sa isa sa mga theme songs ng upco­ming primetime series na “Love You Two.”

Mula sa panulat ni Vehnee Saturno, ang “Kung Walang Ikaw” ay available na for download at streaming, at patok na nga sa iTunes, Spotify, at iba pang di­gital stores worldwide.

Unang nakilala si Hannah matapos ma­nalo sa reality show ng GMA Network na “Bet ng Bayan.” Siya rin ang kumanta ng ilang theme songs ng mga top-rated seryes na “Onanay,” “Kambal, Karibal,” “Hindi Ko Kayang Iwan Ka” at “Kapag Nahati Ang Puso.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy