Una sa Balita

Puwet ni Juancho nilait ng kampo ni Alden

By
0 4,093

Kahapon ang ika-25th birthday ni Juancho Trivino. At sunod-sunod ang pa-cake sa kanya ng mga nagmamahal sa kanya.

May munting pa-party ang mga tagahanga niya sa kanya, at ganun din ang Unang Hirit staff, na kung saan ay araw-araw siyang napapanood.

Well, sa mga Instagram post ni Juancho, happy naman ang binata sa nangyayari sa career niya.

Pero bago ang birthday niya, may iniregalo na siya sa mga fan niya, lalo na sa mga bading na nagpapantasya sa kanya. Biglang-bigla nga ay nag-post si Juancho sa kanyang Instagram ng puwet photo niya.

Black and white ang photo, na madalas naman na siyang paepek niya sa Instagram niya. Pero, bongga nga ito, dahil buong ningning nga niyang inilabas ang puwet niya.

Pero hindi naman siya naghubo talaga. Kumbaga, itinaas lang niya ang brief na suot niya, kaya nagmukha itong t-back, at labas na labas ang pwetmalu niya.

‘Ganito raw ang uso ngayon,” caption ni Juancho sa photo na ‘yon, na nakatalikod nga siya.

Anyway, humamig ng maraming likes at comments ang puwet ni Juancho. Pero, makalipas lang ang ilang oras, burado na agad ang photo na ‘yon.

May sumita kaya kay Juancho? Isa ba ito sa mga desisyon niya na bigla-bigla niyang ginawa, tulad nung pagdi-dirty finger niya sa photo ni Alden Richards?

Pero ang alam ko, marami ang naaliw, at hindi makapaniwala na kayang gawin ni Juancho ‘yon, ang magpakita ng puwet sa social media.

More to come pa sana…. Hahahahaha!

Pero siyempre, hindi rin nagpaawat sa pag-comment ang mga galit nag alit sa kanya na mga fan ni Alden. Ikinumpara nga ang puwet niya sa puwet ni Alden. Si Alden daw, matambok at makinis. Samantalang kay Juancho raw, maitim, bagsak na, at maraming peklat. Kaloka