Una sa Balita

Puwet ni Jodi pinanggigilan sa Maldives

By
0 1,669

Matapos ang final airing ng Sana Dalawa Ang Puso, aba, nagpaandar ng kanyang kaseksihan ang isa sa mga bida na ito na si Jodi Sta. Maria. Sa kanyang paglipad sa Maldives for a much-deserved vacation, marami ang nabaliw sa tila ‘pang-aakit’ niya sa kalalakihan dahil sa kanyang piktyur na naka-two-piece-floral swim wear.

For sure, marami ang napanganga sa post niyang ito lalo na’t kilala ang Kapamilya actress na may pagka-conservative, pero bongga talaga ang naging reaksiyon ng mga netizen.

Si Jodi considered pa rin na isa sa may pinakamagandang mukha sa showbiz, pero kilala rin ito na may pagka-conservative nga lalo na pagdating sa kanyang personal na buhay.

Pero ang post niyang yun ay maaaring hudyat na rin daw na binasag na niya ang comfort zone lalo na’t wala naman siyang dyowa ngayon na magagalit.

Bukod sa makorte niyang katawan, marami rin ang pumansin sa matambok na puwet ni Jodi na mas lalong nakadagdag sa pangigigil ng kalalakihan.

But of course, hindi naman ito ang intensiyon ng Kapamilya actress dahil nasa isa sa pinakamagandang beaches sa buong mundo nga siya, kaya and drama nga niya ay ‘why not flaunt what  you’ve got’ devah.

Oo nga naman, noh! Kung maelya man kayo, aba, ‘di na niya kasalanan, noh!

Naman!