Una sa Balita

Puwet ni James pinagtripan ni Sarah

By
0 235

Funny, bubbly­ ang mga deskripsiyon ni James Reid kay Sarah Geronimo, na lola niya sa pelikulang ‘Miss Granny’, na dinirek ni Binibining Joyce Bernal.

Sabi nga ni James, sanay na siyang nakikita si Sarah na nagpi-perform on stage, kumakanta, sumasa­yaw, at katunayan ay nakasama na niya ito sa isang collaboration sa ASAP noon.

Pero, ibang-iba nga raw kapag aktingan na at kaharap pa niya.

“It’s different kind of performance. She’s a great character actress. Full of e­nergy,” sey ni James.

Ang saya nga raw kasama ni Sarah sa shooting. Pero, may isang memorable scene raw sila ni Sarah na kapag naiisip niya ngayon ay natatawa siya.

“I don’t know how to say it… Spank in the butt? There’s a scene na Sarah’s cha­racter does that to me. It’s really funny!” natatawang chika niya.

Yes, base sa deskripsiyon ni James, pinalo-palo ni Sarah ang puwet niya, at tawa nga raw sila nang tawa sa eksenang ‘yon.

Ito nga ang unang movie ni James na hindi niya kasama si Nadine, at ganun din naman si Nadine, na gumagawa ng pelikula ngayon na hindi kasama si James.

“I’m excited to see what happens. I support her all the way.”