Una sa Balita

Puwet ni Christian super sarap

By
0 507

Bongga ang pagbuyangyang ni Christian Bables ng kanyang puwet sa pelikulang “Signal Rock” na kasali ngayon sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2018.

Hindi mabibigo ang mga fan o nag-iilusyon na makita nang bonggang-bongga ang puwet ng mahusay na aktor dahil hindi lang naman ipinakita ang behind nito, kundi kumakabayo pa ito nang sobra-sobra.

Nakakaloka ang butt exposure ni Christian sa pelikula dahil sa motion nito sa lovescene nila ni Elora, kung saan parang isang matapang na sunda­long sunod-sunod na kumadyot ang ­aktor sa kaparehang babae.

Mapapangiwi ka sa matinding ayuda na ginagawa ni Christian kay Elora dahil sa tindi nito. Pati ang kama ay umiiyak at halos magiba sa pagbayo nito sa eksena nila ni Elora.

Ito ang kauna-unahang paghuhubad nang husto ni Christian sa pelikula at hindi naman siya mapipintasan ng mga manonood dahil napakakinis ng kanyang puwet at maganda ang tambok nito.

Parang kutis ng bata na pagkakinis-kinis ng butt ni Christian kahit pa pinatungan ng brown tone makeup para bumagay sa role niya bilang probinsyano.

Hindi dapat nakakaelya ang eksena pero dahil sa ganda ng hubog ng puwet ng actor at sa husay nitong kumadyot, makakaramdam ng kiliti ang mga viewer.

Pero siyempre, ang kabuuang ganda ng istorya, cinematography at acting ng lahat ng cast ang siyang mapapansin sa kabuuan ng pelikulang “Signal Rock”, na dinirek ni Chito Roño.

Anyway, maaari niyo pang mapanood ang interview namin ni Dondon ­Sermino sa “Abantelliling” sa YouTube channel ng Abante-Tonite, o kaya ay mag-log on lang kayo sa @abante_tnt o magpunta sa Facebook account ng Abante, at sa website na @AbanteNews.