Una sa Balita

Puwesto ni Andanar nakabitin pa

By
0 100

WALA pang tiyak na puwestong maibigay kay Pre­sidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar sa sandaling lusawin ang tanggapan nito.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na sa nga­yon ay ikinukunsidera niya ang lahat at dapat ay nasa tabi-tabi lang si Andanar hangga’t hindi nai­babalik ang Office of the Press Secretary.

“Martin Andanar should be around. Siya – palit-palit sila pero there must only be one press secretary. And historically, na ano lang. Ano talaga ‘yan. It was addressed as a press office, press secretary. Iyon ang connotations ng – the word,” anang Pangulo.

Tinanong ang Pangulo kung ibibigay kay Anda­nar ang puwestong iiwanan ni Presidential Advi­ser for Political Affairs Secretary Francis Tolentino at nagbiro itong malaking disgrasya kung ito ang sasalo sa puwesto.

“Disgrasya tayong lahat kung political advi­ser. [laughter] Talo… tanungin mo nga kung nanalo ba siya ng eleksyon ni minsan? ‘Di, ‘di, ‘di, biro lang ‘yan.

I’ll consider everybody,” dagdag ng Pangulo.

Naunang inihayag ng Presidente na gagawin niyang consultant si Andanar para tutukan ang pagapapalakas sa government television na PTV 4.