Una sa Balita

Puwersahang kontribusyon ng mga OFW sa SSS pinalagan

By
0 451

INUPAKAN ng isang militanteng kongresista ang Social Security System (SSS) sa pag-oobliga sa mga overseas Filipino worker (OFW) na maghulog ng kontribusyon.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, mapupuwersa ang mga OFW na bayaran ang P2,400 buwanang kontribusyon.

“The P2,400 will be on top of the US$144 mandatory insurance that is also being pushed by the government. Kapag ganito ay hindi talaga makakaipon ang mga OFW at malamang ay malubog pa sa utang,” ani Zarate.

May mungkahi rin umano na dapat ng bayaran ng mga papaalis na OFWs ang SSS contribution na pihadong makakadagdag sa pasanin ng mga ito lalo na’t magsisimula pa lamang magtrabaho at wala pang kinikita.

Binanggit ni Zarate na sa binalangkas na implementing rules and regulations (IRR) salig sa Social Security Act of 2018, Rule 14 Section 5:IV ay dapat magbayad ng kontribusyon sa SSS ang land-based OFW hanggang walang bilateral labour agreement sa pagitan ng Pilipinas at ng host country.

“Kapag ganito ay mapag-iinitan pa ng mga employer ang mga OFW at baka matanggal pa sila sa trabaho dahil sa ini-impose ng SSS. Ang hirap kasi sa SSS ang default position nila ay palaging magtaas ng premium at sapilitang kolektahan ang mga manggagawa, maski nga ang extended maternity leave ay sinasabi nilang dapat pa din daw magtaas ng premium,” dagdag ng solon.

Binigyang-diin naman ni Bayan Muna chairman at Makabayan senatorial candidate Neri Colmenares na dapat ay boluntaryo lang ang membership ng OFWs sa SSS dahil hindi naman pare-pareho ang kalagayan ng mga ito sa iba’t ibang bansa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy