Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Puwera turista! Iba pang dayuhan pinayagan sa PH

0 105

Pinahintulutan na rin ng gobyerno na pumasok sa Pilipinas ang mga dayuhan na may valid visa, maliban na lang sa mga turista.

“Ito po iyon mga namumuhunan [sa Pilipinas], nagnenegosyo, nagtatrabaho, may kamag-anak na asawa, anak sa Pilpinas, halos lahat ng dayuhan except ang mga turista,” anunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa PTV-4 nitong Biyernes.

Dati, ang pinapayagan lang pumasok sa Pilipinas ay mga dayuhang may valid visa na petsang mula Marso 20, 2020 bilang pag-iingat sa COVID-19

Samantala, dagdag ni Roque, bawal pa ring bumiyahe sa bansa ang isang dayuhan para puntahan ang kanyang `special someone’.

“Yes, love is not tourism, pero naka-tourist visa pa rin iyon. Maghintay-hintay lang po tayo,” aniya pa.

Sinabi pa ni Roque na sa kanyang pagkakaalam hindi pa pinapayagan ang mga turista subalit case-to-case basis aniya na puwedeng makakuha ng exemption. (SDC/Prince Golez)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.