Una sa Balita

Puwede sa RMSC, PSC

0 313

‘Di pa man 100% na tapos ang pagpapa-repair sa Rizal Memorial Coliseum na nasa loob ng Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila sigu­rado akong magigiging maganda ito kapag nakumpleto na ang pagpapakumpuni
.
Kita ko na sa socmed at sa ilang newspaper ang bagong mukha nang makasaysayang sports faci­lity kaya nasabi kong magiging maganda ang pagbabagong bihis dito.

Salamat sa Philippine Amusement and Gaming Corp. na nagbigay ng halos P1B sa Philippine Sports Commission para mu­ling maipagawa ang pasilidad.

‘Di lang Manilenyos ang makikinabang sa RMC o RMSC, nariyan din siyempre ang ating mga national athlete at mga estudyanteng atleta sa lahat ng antas sa loob at labas ng Maynila.

Maging ang National­ Collegiate Athletic Association at University Athletic Association of the Philippines kasama rin.

Puwede nang magdaos ang NCAA at UAAP basketball tournament sa RMC. Ma­ging iba pang mga liga sa Metro Manila. Kahit siguro ang Philippine Basketball Association at Maharlika Pilipinas Basketball League, maari na ring mag-host doon ng kanilang mga game.

Isa pang magandang lugar ay ang bagong repair ding PhilSports Complex, kasama ang nakapaloob ditong PhilSports Arena na nasa Pasig naman pero nasa ilalim din ng pamamahala ng government sports agency.
Maari na ring ma­ging regular venue ito ng NCAA at UAAP at iba pang mga palaro.

Salamat sa mga kinauukulan na may malasakit sa sports.
Bow po ako sa inyo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More