Una sa Balita

Puwede buwenas, hindi favoritism — SP

0 302

TINIYAK ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na walang paiiraling favoritism sa pagbibigay ng mga committee sa bawat senador.

Sa gitna ito ng impormasyon na tatlong komite ang posibleng ibigay kay Senator-elect Bong Go na kinabibila­ngan ng Committees on Health, Urban Planning at Sports.

“Meron tayo tinatawag na buwenas, ‘yung sinasabi mo na committee bakante, eh ‘yun ang kursunada nila, bakante ang health, urban planning…walang ibang interesado,” diin ni Sotto.

Nangako rin si Sotto na paiiralin din sa minority bloc ang tradis­yon na equity of the incumbent kaya’t kakausapin si Senate Minority Leader Franklin Drilon.

“Ayoko ng may tampo, nakikita ko rin na ang senador ‘pag may tampo ang bigat dalhin,” dagdag nito.

Samantala, muling iginiit ni Senator-elect Francis Tolentino na nang-iintriga lamang si Senator-elect Imee Marcos nang sabihing siya ang nagtutulak kay Senador Cynthia Villar upang maging Senate President.

“Intriga lang n’ya (Marcos) ‘yan. Nasa Jerusalem ako nun,” sagot ni Tolentino nang tanungin hinggil sa pahayag ni Marcos na nagtuturo sa kanya bilang tagatulak kay Villar na lumaban bilang Se­nate President. (Dang Samson-Garcia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy