Una sa Balita

PUV Modernization: Tuloy ang abante

0 345

Sa unang buwan ng taon, lumarga nang husto ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng Department of Transportation sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. Ang PUVMP ay isang ambisyosong programa ng Duterte administration para palitan ang mga mausok at karag-karag na jeepney ng mga modernong, malinis, maluwag at tahimik na sasakyan. Humigit kumulang 180,000 na sasakyan ang kinakailangan palitan sa ilalim ng ­nasabing programa.
]
Sa Pasig City, 15 bagong jeepney ang nag-umpisang pumasada sa ruta ng Pasig-Quiapo via Sta Mesa/Shaw Boulevard. Pinangunahan ng masipag na Land Transportation Franchising and ­Regulatory Board (LTFRB) National Capital ­Region (NCR) Director Atty. Zona Tamayo ang pasinayang ginawa ng Pasig Mandaluyong Quiapo Ope­rators Drivers Alliance (PAMAQODA)

Sa General Santos City, mismong si LTFRB Chairman Atty. Martin B. Delgra III at Region XII ­Director Col. Paterno Padua ang nanguna sa pasinaya ng 15 modernized jeepney ng Pu­blic Transport Alliance of GenSan (PTAG). Ang mga eto ay papasada sa rutang Doña Soledad-Lagao Public Market; Calumpang-Lagao Public Market; at Calumpang-San Jose.

Sa Mecauayan, Bulacan, tatlumpong (30) modern jeepneys ang nai-deliver ng Isuzu Philippines sa mga member ng PM Jeepney Drivers and Operators Service Inc, isang grupo sa ilalim ng Pasang Masda. Sinaksihan ni DOTr Secretary Arthur P. Tugade at LTFRB Chairman Atty. Martin B. Delgra III ang turnover. Bibiyahe ang mga ito sa ­rutang Meycauayan – Malolos via NLEX. Dineliver mismo ni ­Isuzu pre­sident, Hajime Koso, kay ­Robert “Ka Obet” Martin, president of Pasang Masda.

Ayun kay Ka Obet Martin, isang libong class 2 at 3 mo­dern jeepneys ang kailangan ng Pasang Masda sa buong bansa. Umaabot na sa 100 units na ang natanggap na nila mula sa Isuzu.

Sa Quezon City, dalawampu’t lima (25) ­modern jeepneys ang inilunsad ng A. Roces Transport Service Cooperative (ARTSC) sa tulong ni LTFRB NCR Director Atty. Zona Tamayo. Labing-pito ang papasada sa Quezon Avenue-5th Avenue, samantalang walo sa ruta ng Cubao-Roces.

Sa Butuan City, ang ­Diamond Transport Service Cooperative (DATSCO) naman ang tumanggap ng 15 modern jeepneys para sa ruta ng Bancasi-Libertad- Ampayon via Butuan Medical Center. Sinaksihan ni LTFRB Chairman Atty. Martin Delgra III at LTFRB Caraga OIC Director Ma. Kristina Cassion ang seremonya.

Sa Iligan City, ­pinayagan ng Land Bank of the Philippines (LBP) ang P30 ­milyon pautang para sa pambili ng 15 modernized units ng ­Royal Developer Consortium (­RODECO) Transport Service Cooperative.

Sa mga nakatira sa Parañaque City na regular na nagbibiyahe sa Makati, ­inilunsad ang Premium Point-to-Point (P2P) Bus Service ng RRCG Transport System Co., Inc. mula Sucat hanggang Makati City sa rutant BF Parañaque – Glorietta. Nagsasakay at nagbababa ng pasahero sa Tierra de ­Maria (­Behrouz), E. De la Rama (across Ministop), at Puregold (across Mandarin Palace).

Double time ang pagsusulong ng PUVMP dahil sa nalalapit na ang self-imposed deadline na June 30 ng programa. May nakakausap pa rin tayong operators at ­drivers na hindi pa kumbinsido ng PUVMP. Kailangan ng DoTr at LTFRB ng ibayong ­information campaign sa mga ­natitira pang buwan para ­maganap ang layuning nilang magkaroon ng malinis, ligtas at komportableng jeepney sa Pilipinas.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More