Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

PUV dagdagan imbes, bawas distancing – Año

0 127

Kinontra ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang pag-aapruba ng pagbabawas ng physical distancing sa mga public utility vehicles (PUV) at imbes ay mas pabor siya sa pagpapakalat ng mga karagdagang pampublikong transportasyon sa kalsada dahil sa COVID pandemic.

Ayon kay Año na siyang chairman ng National Task Force against COVID-19, kung siya ang tatanungin, mas gusto niya na masunod ang one meter physical distancing sa mga public transport upang malabanan ang pagkalat ng nasabing sakit.

“Personally, I would like to abide by the one meter minimum standard of physical distancing. If we can actually provide more transport to our people rather than reducing the distancing, that would be better,” pahayag ni Ano sa isang panayam nitong Lunes.

Matatandaang nauna ng sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade na inaprubahan na ng

Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases at ng NTF ang proposal na bawasan ang physical distancing sa mga PUV, mula sa isang metro ay ibababa ito sa 0.75 metro na lamang simula ngayong Lunes at matapos ang dalawang Linggo ay muli itong ibaba sa 0.5 meter at 0.3 meters matapos ulit ang dalawang linggo.

Ayon kay Ano, patuloy na pag-uusapan ng pamahalaan ang relaxation ng physical distancing measure sa mga pampublikong transportasyon sa kanilang meeting ngayong Martes.(Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.