Una sa Balita

Pustiso naiwan sa lalamunan ng 72-anyos matapos ang operasyon

0 268

SUMAILALIM sa operasyon ang 72-anyos na lalaki upang tanggalin ang bukol sa kanyang addominal wall.

Subalit ang pagkakamali ng ope­rating team, hindi nila tinanggal ang pustiso ng matanda bago ito operahan.

Pumasok tuloy ito sa lalamunan ng pasyente at nanatili doon sa loob ng walong araw.

Bumalik ang lalaki sa ospital, anim na araw matapos ang operas­yon dahil sa may lumalabas daw na dugo sa kanyang bibig at hirap din siyang huminga at lumunok kaya’t hindi siya makakain ng solid food.

Niresetahan lamang siya ng mouthwash, antibiotics at steriods at pinauwi ng bahay. Bumalik ang matanda sa ospital makalipas ang dalawang araw at in-admit na doon sa hinalang mayroon itong matin­ding chest infection.

Sa isinagawang diagnostic procedure, nakita ang pabilog na bagay sa kanyang vocal chord na siyang nagiging dahilan ng internal blistering at pamamaga ng lalamunan. Agad siyang isinailalim sa surgery at doon natanggal ang pustiso. Nanatili pa siya sa ospital ng anim na araw.

Ang insidenteng ito ay isinulat sa British Medical Journal noong Lunes kung saan nanawagan ang may-akda sa mga surgeon na siguruhing tatanggalin muna ang pustiso ng pasyente bago ito operahan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy