Una sa Balita

Pustahan sa laban ng gagamba, 3 kelot dinampot

By
0 113

Dinakip ang tatlong lalaki matapos mahu­ling nagpupustahan sa laban ng gagamba nang madaanan ng mga pulis sa ikinasang Oplan: Bulabog sa Brgy. Bambang, Pasig City, kamakalawa nang hapon.

Batay sa report na nakalap mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), nakilala ang mga naaresto na sina Sofronio Boloyco, 31-anyos, security guard, No. 131 Villa Reyes St; Joseph Calugay, 38, management trainee ng No. 734 Violla Reyes St., at Anthony Desuacido, 44, traffic enforcer at residente ng No. 730 Villa Reyes St., Brgy. Bambang, Pasig City.

Ayon kay S/Insp. Roberto Garcia ng station investigation division ng Pasig Police, nagsasagawa ng Oplan: Bulabog ang mga tauhan ng PCP-3 sa Villa Reyes St., Brgy. Bambang, bandang alas-2:15 kamakalawa nang hapon nang maispatan ang isang grupo ng kalalakihan na nagsusugal.

Abante Hiring – IT dep

Nang siyasatin ay nakita na nagpupustahan ang mga ito sa laban ng mga gagamba na animo’y mga bata na tuwang-tuwa.
Agad na pinahinto ng mga pulis ang kanilang pagsusugal dahil nakakagambala umano ito sa mga kapitbahay dahil sa kanilang pag-iingay at doon na dinampot ang tatlong suspek na na­ngunguna sa pagsusugal ng gagamba.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 13 pi­raso ng gagamba, isang improvised spider fightin­g ring at P100 pusta.
Dinala ang tatlo sa Pasig detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling Act. (Vick Aquino)