Una sa Balita

Pustahan, kasabay sa paglakas ng MPBL?

0 228

Dahil personal na ngang pinanga­ngasiwaan ni Sen. Manny Pacquiao ang bo­xing training ng panganay na anak na si Jimuel, nararamdaman din kaya ng boxing champ ang feeling ng nanay niyang si Mommy Dionesia?

Tsika ng aming kaibi­gan na malapit sa pamil­ya Pacquiao, tutol umano ang mag-asawang Jinkee at Manny sa plano ng panganay nila na karerin ang boxing, pero matindi raw talaga ang interes ng bagets dito.

Sino pa ba naman ang may karapatan na sanayin ito kundi ang eight-division champion na si Pacman. 

Kasama kaya sa ituturo ng ama ang huwag munang magseryoso sa mga babae, lalo na sa napapabalitang GF nitong taga-showbiz?

***

Sa MPBL nga ay naghaharap ang mga kampeon­g Davao Occidental (Southern division) at San Juan Knights (Northern division) sa isang best-of-five series para hirangin ang overall champions sa naturang basketball league.

Sa tumataas ngayong viewership and patro­nage sa nasabing league, hindi nga malayong very soon ay makipagsabayan na ito kundi man malampasan ang PBA.

Although kinumpirma ng aming parehong source mula sa kampo nina Pacquiao na nag-aabono pa rin daw ang senador sa malaking gastusin ng liga. Pero, very very soon nga raw ay aarangkada na ito sa pagkita dahil ‘committed’ na bilang mga sponsor ang ilan sa malalaki at established na mga kompanya sa bansa.

“Super impressed sila sa klase ng liga at sa lakas ng hatak nito sa masa,” hirit pa ng aming kausap na dumedma naman sa isyung kasabay nitong lumakas ang mga tayaan at pustahan, sort of saying na nagagamit sa ‘sugal’ ang ligang itinatag ng senador.

***

Marami namang fan at supporter ng Barangay Ginebra ang dismayado at nalungkot sa pagkakatsugi ng paborito nilang koponan sa PBA, sa naging knockout game nila kontra Magnolia, para sana mag-advance sa semifinals.

Sari-saring mga kuwento at espekulasyon ang binanggit ng mga ito, kaya magpapahinga muna raw sila sa pagtutok sa liga lalo pa’t magma-Mahal na Araw na.

Marami rin sa kanila ang inis pa rin sa ipinakitang gilas ni Paul Lee na kahit daw ang mga reliable na sina LA Tenorio, Sol Mercado at ang mahal naming si Scottie Thompson (hahaha!) ay pinagod nito.

May matindi silang pakiusap sa management at sa coaching staff, lalo kay Coach Tim Cone na kung gusto nilang ma-retain ang kampeonato sa susunod na conference, dapat daw ay tapatan o higitan nila ang bagsik ng kukunin nilang import.

May mga nagkukuwestyun na rin daw kasi sa lakas ng tinatawag nilang twin tower kina Greg Slaughter at Japeth Aguilar.

Kaya sinasabi na nilang ‘flop’ ang masasaksihang finals sa PBA dahil natanggal na ang pinaka-popular na team sa liga.

Mga ka-barangay talaga o! Pero, totoo naman hahahaha!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy