Una sa Balita

Pussycat Dolls nagbabalik, mga fan nagbunyi

0 361

This is really is it! Naganap na ang pagre-reunite ng favorite international all-girl group ng mga batang 90’s na Pussycat Dolls sa “X Factor Celebrity Finals”.

Mula sa IG account ng group leader na si Nicole Scherzinger, super hyped at excited niyang ibinahagi sa mga fan ang pagbabalik ng kanilang grupo after a decade.

Grabe naman talaga kasi ang panahon na hinintay ng mga fan na makita silang magsama-sama ulit, to the point na akala ng lahat ay wala nang pag-asa na bumalik ang kanilang grupo sa limelight. Pero heto na nga sila’t inaangkin ang bawat entabladong kanilang pinagtatanghalan.

Uumpisahan ng PCD ang kanilang pasabog sa UK, lilibutin ang bansa para mag-concert na gaganapin sa March 2020. Ngayon nga ay humihirit ang mga fan na sana dito rin sa Pilipinas ay mag-concert sila.

“It’s so good to be back with my girls,” sey pa ni Nicole sa kanyang IG.

Maski nga ang Kapuso actress na si Maine Mendoza ay nabuhay ang fangirl blood nang makitang mag-perform ang PCD. “HOOOOYYY GRABE Pussycat Dolls walang kupas! Power!!” tweet ni Maine. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy