Una sa Balita

Pusong bato! Dela Rosa kinuyog sa ‘shit happens’

0 514

UMANI ng batikos mula sa mga senador ang ‘shit happens’ na pahayag ni Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa bilang pagtatanggol nito sa mga anti-drug operation ng kapulisan.

Ayon kay opposition Senator Francis ‘Kiko’ Pangilinan, hindi katanggap-tanggap ang katuwiran ni Dela Rosa na hindi maiiwasang magkaroon ng collateral damage sa mga police operation.

“Kapag ganito ang kalakaran na tinatanggap na lang natin bilang reyalidad sa halip na kondenahin at panagutin ang mga nagkasala ay ibig sabihin mauulit nang mauulit ang patayan pati ng mga bata,” pahayag ni Pangilinan sa isang text message.

“Hindi ito tama at hindi ako sang-ayon sa posisyon na ganoon talaga ang re­yalidad,” dagdag pa nito.

Ang tinutukoy ni Lacson ang tatlong taong gulang na si Myka Uplina, isa sa apat na batang namatay sa madugong anti-drug police operation sa Rodriguez, Rizal nong Hunyo 30.

Nauna nang sinabi ni Dela Rosa hindi umano maiiwasang magkaroon ng collateral damage sa mga operasyon ng mga pulis. “Shit happens during operation,” sabi ni Dela Rosa isang forum sa Senado noong Huwebes.

“Let’s not trivialize innocent lives lost. Shit happens? Then it’s time to call a plumber and flush this bloody and abusive drug war down the toilet,” reaskyon naman ni Senadora Risa Hontiveros.

Ayon naman kay Phi­lippine National Police (PNP) Chief Gen. Oscar Albayalde na may dalawang mukha ang pangyayari dahil mas ginusto ng napatay na ama na idamay ang kanyang anak habang ang nasa­wing pulis sa encounter ay may naulila ding mga anak at pamilya sa pagtupad sa kanyang tungkulin. (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy