Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Puslit na yosi nabuking

0 66

Nakumpiska ng magkakasanib na ahensiya ng pamahalaan ang isang 20-footer container van na puno umano ng puslit na sigarilyo sa Limay. Bataan.

Samantala, nag-negatibo sa ilegal na droga ang 409 na kaha ng Gem cigarettes nang buksan ito ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Bataan Philippine National Police-Drug Enforcement Unit (PNP-DEU) noong Miyerkoles para pasadahan ng mga K9 unit.

Nasa kustodiya ng BOC-Enforcement Security Service ang kontrabando at tinutukoy na ang mga utak sa pagpupuslit nito para masampahan ng kasong paglabag sa Section 1113 ng RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Inaalam na rin ng BOC ang halaga ng kontrabando. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.