Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Puslit na parrot siniksik sa bote

0 76

Ilang dosena ng mga smuggled na parrot ang nabuking na siniksik sa plastic water bottle sa isang barko sa Indonesia.

Ayon sa ulat, inulat umano ng mga crew ng barko na may narinig silang ingay mula sa malaking kahon kung saan 64 buhay na lory at 10 iba pang ibon ang natagpuan, nitong Huwebes. Hinala umano ng mga ito na may mga hayop sa loob ng kahon kaya pinagbigay-alam na sa pulisya.

Hindi pa malinaw kung saan sana dadalhin ang mga pinuslit na ibon, hindi pa rin nahuhuli ang mga salarin.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.