Una sa Balita

Puslit na ‘malagkit’ nasabat

By
0 4

Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang isang 20-footer container na naglalaman ng puslit na bigas o glutinous rice na nagkakahalagang P2 million.

Ayon kay BOC Commissioner Isidro Lapena, nasabat nila ang kargamento matapos nilang isalang sa 100% physical examination ang shipment ng Worldwide Apparel Manufacturing Inc. Idineklara umano ang kontrabando bilang polyester knitted breast cup.

“The consignee declared it as polyester knitted breast cup, however, during the conduct of x-ray examination, a different image was retrieved from the machine which led to the issuance of alert order as per recommendation of the X-ray Inspection Project (XIP),” paliwanag ni Lapena.

Isinagawa ang inspeksyon matapos magpaso ang 15-araw na allowance para mabayaran ng consignee ang kaukulang buwis para sa kargamento.

“Today is the expiration of the 15-day allowance, failure of the consignee to pay the duties and taxes will result in the abandonment of the shipment,” pagbibigay-diin ni Cometa kahapon.