Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pusit ni Perez ayaw ni Tautuaa

0 5

KUNG sa loob ng court ay walang inaatrasan ang sentro ng San Miguel Beermen na si Moala Tautuaa, pagdating sa pagkain, atras ito sa pusit.

Hindi gusto ni Mo ang adobong pusit.

Ibinahagi pa nito sa kanyang social media ang mga video kung saan kita na ayaw niya sa putaheng ito.

Sa unang video, itinutok ni Tautuaa ang camera sa adobong pusit at nilagyan pa ng caption na “Taste like nascar.”

Humirit pa ito na motor oil aniya ang ulam dahil sa kulay itim na sarsa nito.

“Cjay, how are you gonna eat a box of motor oil bro? That’s motor oil ha?” sey ni Tautuaa.

Nakangiti namang sumang-yon si CJ kay Mo.

Sa ikalawang video, ipinakita nito ang pagkain niya sa nasabing ulam habang umiiling na halatang hindi niya ito nagustuhan.

Caption nito sa video, “Nope, can’t do it,” sey pa ni Mo. (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.