Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pusher timbog sa P408K shabu

0 97

Umabot sa P408,000 halaga ng shabu ang nasamsam ng mga pulis sa isang drug pusher sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan City, Huwebes ng gabi.

Kinilala ni P/Capt. Ramon Aquiatan, District Drug Enforcement Unit head, ang suspek na si Ordy De Los Santos 21, residente ng 5th Avenue, Barangay 8 ng nasabing lungsod.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Capt. Aquiatan, nagkasa sila ng buy-bust sa kahabaan ng Julian Felipe Street kung saan target nilang mabitag si De Los Santos na nasa drug watchlist nila.

Isa sa mga pulis ang nagkunyaring buyer at matapos ang abutan ay dinakip na ang suspek saan nakuha sa kanya ang 60 gramo ng iligal na droga. (Orlan Linde)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.