Una sa Balita

Pusher sa loob ng sementeryo tigok sa buy-bust

By
0 2,996

PATAY ang isang drug pusher sa loob ng Manila North Cemetery (MNC) matapos na manlaban sa mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa isinagawang buy-bust ope­ration kamakalawa nang gabi sa Sta. Cruz, Maynila.

Ayon kay P/Supt. Caesar Domingo, station commander ng MPD-Police Station 3, hindi na naisalba ng mga doktor sa Chinese General Hospital ang suspek na si Alexander Dimalanta, nasa hustong edad at residente ng 1789 Antipolo St. Sta. Cruz, Maynila dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Naganap umano ang insidente dakong alas-6:20 nang gabi sa may 2nd St., Manila North Cemetery .

Abante Hiring – IT dep

Ikinasa umano ang operation laban sa suspek matapos makumpirma na nagbebenta ito ng iligal na droga.

Isang pulis ang poseur buyer pero nakahalata ang suspek na pulis ang katransaksiyon.

Sa halip na sumuko, bumunot ito ng baril at tinangkang paputukan ang mga pulis na gumanti naman ng putok dahilan para tamaan ang suspek.