Una sa Balita

Pusher na ginang, arestado

By
0 4

Arestado ang isang 38-anyos na ginang matapos mahulihan ng ilegal na droga sa isinagawang buy bust operation kamakalawa sa Taytay, Rizal.

Kinilala ni Taytay Municipal Police Station PSupt. Samuel Delorino ang naarestong suspek na si Maria Cecilia Hashizume y Mariano, 38-anyos, residente ng Blk. 43, Lot 6, San Lorenzo Ruiz, Brgy. San Juan, Taytay, Rizal.

Batay sa report ni PO2 Vonsmit H Altamarino, may hawak ng kaso, nagsagawa ng anti-drug operation ang pulisya bandang 11:30 kamakalawa ng gabi sa San Lorenzo Ruiz, Brgy. San Juan, Taytay, Rizal.

Tumayong `poseur buyer’ ng shabu ang isang pulis at nang aktong ibibigay na ng suspek ang hinihinalang shabu ay agad na itong inaresto.

Nabatid na kilalang pusher sa barangay ang suspek.

Nakumpiska kay Hashizume ang dalawang sachet na naglalaman ng shabu at P200 marked money.

Kasalukuyang nakakulong si Mariano sa Taytay Municipal Police Station habang inihahanda ang kaukulang kaso laban dito.